Paano kapag pagod ka nang mapagod?

Paano kapag pagod ka nang mapagod?

 

Minsan sa buhay natin may darating na panahon kung saan habang tayo’y nakaupo sa sulok nang ating munting kwarto,

nakatingin sa kisame walang iniisip at gumagawa nang ibat ibang eksenang baka sakaling manyare

hanggang humantong tayo sa pagkakataong Mapaisip tayo kung Anong mayroon sakin ngayon?

Mayroon bang kapanapanabik na eksena sa kasalukuyan

o di kaya’y ganap na maaring makapagpabago ng takbo ng istorya ko

hindi kaya isa lamang itong ordinaryong panahon kung kalian mapapaisip tayo , paano kapag pagod ka nang mapagod?

Pagkatapos ng ilang oras, minuto at segundong pagkakahilata ko sakin’g munting paraiso

Kinakausap ko ang sarili ko na parang isang timang nagtatanong paano kapag pagod ka nang mapagod?

Pagod na nga ba akong mapagod?

Diba’t sanay naman akong sa ganitong eksena kung saan kahit anong gawin mong pagpapasaya

Hahantong parin tayo sa ilang minutong katahimikan na may kasama konting pagiyak

Na tinalo pa ang Korean drama kung gumawa ng senaryong sana may kalakip na dramatic music

Kung saan tayo biglang gagawa ng mga linyang binigyan kulay ng bawat probelma, pagsubok at minsan dulot na rin na ating kaartehan

Pero sabi nga nila normal naman mapagod

Mapagod sa pagpasok sa araw araw patunayan at pagtagumpayang makuha ang isang nakarolyong papel na amoy matanda, na magiging patnubay mo sa pangkinabukasan

At maging ang pagod sa paghihintay

Paghihintay sa isang taong bubuhay sa tigang mong puso,

magbibigay kulay sa pisngi mong matagal nang namumutla at higit sa lahat ay ang isa pang bidang kukumpleto sa istoryang binuo mo simula palang nang bata ka

Oo nga’t nakakapagod ang maging mapagod

Ngunit hahayaan mo nalang bang maging miserable ka

at paikutin ka nang pagkakataong may tsyansya kang baguhin ang tadhana

At marahil bulungan si bathala na sana’y hindi na ulit maramdaman

Lahat ng sakit, pagkabigo at kalungkutang nagdulot sayo na umupong nakasalampak sa sulok nang iyong munting kuwarto

Nagiisip nang ibat ibang possibilidad

Naglalapat ng mga magandang background sa music sa kwentong kunwaring pang pelikula

At sabay sasabihin sa sarili,

Paano kapag pagod ka nang mapagod?

Paano nga ba?

Open mic poetry tonight at Cafe Avenue Imus City Cavite! I’m excited!

Advertisements

One thought on “Paano kapag pagod ka nang mapagod?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s