Buhay Arki

Oh?! Architecture Student ka pala? Mahirap ba? Matalino daw kayo e? May math subjects ba? Eh di magaling ka magdrawing? Pagawa naman ako ng bahay! Gagraduate ka na ba this year? Ay five years ba yan? Sabi nila puyatan daw yan ah? Bakit parang tumaba ka? Diba dapat pumayat ka kasi mahirap course mo?

Hays


Halos lahat ng kakilala mo ay tatanungin ka ng mga bagay na yan lalo na ko masyado silang nabigla na Arki (Architecture) pala ang kinuha mong kurso sa kolehiyo.

O, baka ako lang? Uy, magkukuwento lang ako tungkol sa byahe ko patungo dito sa paglalakabay ko bilang isang Architecture Student


4th Year High School

That was the first time I encountered triangles, HB pencils and a triangular scale. Drafting 1, syempre hindi naman ako biniyayaan nang napakagaling na kamay sa paguhit, I was never gifted in arts. I was never artistic, I suppose. Ang hirap pala, Isometric at Orthographic palang dinudugo na ko. I can’t even draw a straight line with the use of a ruler and pencil, how can I possibly pass this subject? Pero wala eh magaling yung teacher ko, nagenjoy ako bigla. Pero wala sa isip ko na kumuha ng course na Architecture, not until that moment na sinabi nya magdraw daw kami ng isang building within our area. Pumasok agad sa isip ko yung Chick-Boy, restaurant yan mga beh. Maganda yung facade nya, simple pero may dating. Chaka yung lettering pak na pak! kaya pinili ko sya. Uy! Meron naman pala akong talent magaling ako maglettering, calligraphy ganon, mahilig ako magscrapbook medyo artistic din naman ako kaso very very light lang. Ito na nga, i tried sketching the facade of the restaurant, syempre I took a picture first para may basehan ako. Satisfied naman ako sa kinalabasan, pero pagdating ko sa school. Jusko! Ang gaganda ng gawa nila, I wanted to throw my work and burn it at the same time. Pero wala I have no choice but to pass it kasi assignment sya. Fortunately, when my teacher saw it, she said that I have a good skills in lettering, and by that i was nearly flattered. Hanggang pumasok na sa isip ko na bakit di kayo ako mag Arkitekto? Kasi nageenjoy ako sa mga pinagagawa namin eh. Never ako nagenjoy sa english, sa math, sa filipino pero dito iba yung nafefeel ko. Pero I do have second thoughts about that. I find architecture quite challenging and at the same time interesting. Nagtry ako magdraw ng facade mall tapos pinakita ko sa mga friends ko, Nakakatawa yung mga reactions nila (Sayang di ko natabi yung drawing, but i bet matatawa talaga kayo) I remember one of my friend says “Friend? Magaarchitecture ka talaga? Seryoso ba yan?” At that moment I decided to pursue architecture. I wanted to prove something to them

Why did you choose architecture as your course?

1st year college, yan ang paulit ulit na tanong ng bawat professor sa bawat bagong mukang nakilala nila sa pamantasan. Nung nasa interview ako, that same question was asked by the dean: Why did you choose architecture as your course? Me: (Ito yung nasa isip ko: Shet Shet English beh, panic ka na beh, may sagot ka ba? Bakit mo daw pinili? Bakit ba kasi yan pinili mo! ) Uhm, I chose architecture because my uncle’s an engineer and I wanted to help him and also i wanted to prove to myself that I can draw a house or a building. Like what ano daw?! Yan yung pumasok sa isip ko, luckily pumasa ako, syempre bago yan pinagsketch muna nila ako. (Pero bago lahat ng yan nauna na yung interview you have to pass the university examination, Nakapasa ako! My first choice was Accountancy because of my mom, then Architecture that’s my choice and the third choice was Psychology. Luckily pasado sa Architecture and Pyschology but not lucky enough to pass Accountancy. Pero masaya ako kasi ayoko talaga ng Accountancy!) A little back story lang naalala ko may nilapag yung Professor ko sa lamesa na vase then, I thought it was only for decoration stuffs ganon, pero yun pala yung iddrawing! ha-ha-ha Walang eraser, pencil lang bawal ata magkamali dito. Nagdrawing ako, feeling ko okay naman sya, pero pinagdrawing nya ulit ako! Dream House! Jusko wala pa sa isip ko ang dream house, dream food meron sobrang hindi ako focused so hinayaan ko lang yung kamay ko na magdrawing. After that, nakita nya, sabi nya hindi naman daw ganon kaganda yung gawa ko, pero impressive daw yung grades ko from my previous school. Indeed, I’m very proud of that! Suddenly ayun sabi nya you passed! Sobrang hirap magadjust pero it was a great experience madaming Ups and Downs. Friendships na hindi nagtagal, Yung struggle to fit in dun sa leveling ng mga gawa nila and so much more. Pero naconquer ko lahat yon and Naging second year ako nang walang bagsak! Thank you Lord!

“I believe you can present something that is so much better than this”

Ito na second year na, as usal mahirap pa din, mas challenging, mas malaki ang expectations. Pero iba tong year na to, dito ko nakilala kung sino talaga ang magiging kaibigan through ups and downs. Block section kasi kami, nashuffle pero never in my dreams na magkakaroon pala ako ng mga kasection na mafefeel ko na pamilya ko na talaga, mga kapatid ganon. I was trained to be alone, Only child tapos loner, introvert madalas pang namimisunderstood. Hays. Pero ito na nga, naging professor namin yung head ng Architecture Department ng University. Shit! yan talaga yung una naming nasabi, ang dami ng reklamo. Bakit yung iba section ganto? Bakit sila hindi si ganto yung professor? Bakit sila extended? Bakit sila mas madali? Bakit sila, bakit sila. We had so much complains and rants about it, pero ang galing talaga ni God kasi yun pala blessing in disguise yun. Sobrang dami nyang pinagawa na sobrang natuto kami at nachallenge to become a better student and to prove something else na kami din ang magbebenefit. Halos laging may defense. One minute ka lang late or seconds rather, hindi na yan tatanggapin. We learnt how to be on time and never settle na hindi kumpleto yung gawa. Thank you Ma’am Scess! Sinanay nya kami na idefend yung gawa namin and i accept yung judgement and criticisms nang ibang professor.”I believe you can present something that is so much better than this” naalala ko yung linya na yan, masakit pero totoo. Ginawa ko naman yung best ko para gumanda and umayos yung output pero it wasn’t enough. Kasi naniniwala sila na kaya pa namin makagawa ng mas outstanding kasya duon. Madaming pressure nang mga panahong yun, kahit naman hanggang ngayon. Magagaling kasi sila magdrawing, magrender, magpersepective and mag conceptualize. Pero naisip ko din may sarisarili kasi tayong forte, everyone is unique in our own way. Kailangan lang natin mag take ng risks and we need to get out of the box. Mahirap pero masarap. Thank you Lord ulit! 3rd year na wala pa ding failed subject. Kapit lang!

My friends are my second family

Sabi nga ni Albus Dumbledore hindi kakayanin ni Harry magisa, kailangan nya ng tulong ng mga kaibigan nya, sina Hermoine and Ron (Syempre sina Luna, Neville and Ginny din ha-ha-ha). Ganon din sa real life. Kailangan nyo magtulungan, hindi sa point na kailangan nyong gawin yung plate nya or project nya pero sa way na parehas kayong maggrow sa pagtutulungan nyo. Yan yung natutunan ko sa mga kaklase ko, may aalis, may naghahanap talaga kung san sya komportable pero may mga taong mananatili na buo ang tiwala sa samahan na nabuo sa tagal ng panahon. Once again, nagkaroon na naman kami ng encounter sa mahihirap na professor. Hindi ko alam pero halos lahat ng mahirap na mga professor ay napupunta samin, Sinadya mo ba to Bro? Nauubos na tuloy kami. Halos lahat ay nagimprove, mas naging confident and we can now defend our design with justice and confidence. Lahat ay halos nagmature na. Challenging ‘tong school year na to dahil ang hirap ng engineering subjects! Nakaka-kaba tignan yung grades. One thing na maaadvice ko sa inyo. Wag na wag kayong magaabsent. Dapat always present kasi kahit alam mong medyo tagilid ka na, basta alam ng professor mo na nageeffort ka, gagawin nila lahat ng way maipasa ka lang. Believe me totoo to! And yes! success and Third year! No failed subject again! 🙂

Shuffled but never shaken

Ito na! 4th year na ko this year guys! ito na talaga konti nalang! ha-ha-ha Kaso maalala mo five years pala yung course mo. Hays. Pero worth it din lahat ng ito in the end. Masakit tong school year na to para sakin, para saamin marahil. August 15 pa yung start ng classes pero I still can’t believe that we’re shuffled. Nawala na yung bond na binuo namin for 2 years! Sabi nila para daw samin ‘to, I know. Siguro we needed to socialize more and get to know naman yung ibang students. Masyado kasi kaming naging introvert (Yung section lang namin 🙂 ) Kasi ayaw namin nang misunderstanding kaso iba yung nangyayari mas nagkakaroon nang cold war instead of understanding. So much for that, pero I’m looking forward sa term na to. Positive lang lagi! Makakagraduate din tayo! On time! Walang bagsak! Tiwala lang konting kembot nalang fifth year na hi-hi-hi


Points to ponder for Arki and Non-Arki College Students

  • Wag na wag kayong magpapasa nang isang project or plate nang hindi kumpleto, Try your best to finish it!
  • Try to exercise punctuality, wag na wag kayong malalate. Kahit naman ata kahit saang course or career hindi reasonable ang pagiging late. Mag allot kayo ng mga 30 mins- 1 hour na grace time before the due date, dun makakapagisip pa kayo and mas magiging focus pa kayo pagdating nyo sa school or location, hindi kayo magmamadali and magpapanic
  • Never underestimate your works, but never show over confidence to the crowd. Wag na wag nyong lalaiitin yung gawa mo, pinaghirapan mo yan eh. You should believe in yourself dapat always confident ka! Pero wag na wag kang magyayabang, minsan kasi sa sobrang confident mo eh medyo offensive na, dapat aware ka sa crowd na kinabibilangan mo. Kasi kahit saan ka pumunta madaming mata ang nakatingin sayo.
  • Respect. Respect to your classmates, professors and all the people around you.
  • Be Positive, always look on the brighter side. Don’t dwell on the negative things in life.
  • Stay focused on your goals! Uy di to squad goals at relationship goals, umayos kayo jan. Think about the future, ano ba ang gusto mong mangyari in 5 years? 10 years? 20 years?
  • Lastly, always Pray! Iba to, walang katapat na super powers ang pagdadasal mga kaibigan, sakanya kayo magtiwala t’yak di nya kayo pababayaan.

Pasensya na kung medyo mahaba 🙂 pero sana naaliw kayo kahit very very light lang 🙂 And I hope may natutunan kayo kahit konti lang, sa susunod ulit na kwento ng Arki is Life! Bye! Btw sa mga kapwa Arki Students ano sa tingin nyo ang sagot sa tanong na What is architecture? Ha-ha-ha

Advertisements

6 Comments

Add yours →

  1. Sobrang nakaka relate ako sa post mo. Hahaha incoming 4th year Arki na din ako at eto kumakapit. Konti na lang!!!

    To answer your question: Architecture for me is a link between fiction and reality. ☺

    Liked by 2 people

  2. Good luck sa inyong dalawa! Kaya niyo ‘yan! 😀

    Liked by 1 person

  3. Salamat po dito sa post na ‘to dahil nagkaroon po ako ng inspiration para ituloy ko po yung kukunin kung course na architecture :* 😀 🙂 salamat po ng marami 😀

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: