Makikilala mo kaya ako?

Kamusta?

Ay, oo nga pala hindi mo nga pala ako kilala.

Siguro nagtataka ka, sino nga ba naman ang babaeng ito nanaginip ng gising habang nakangiti

Nangangarap na balang araw ay may pagkakataong makausap ka

Makilala ka, yung tunay na ikaw sa likod ng bawat hiyawan at palakpakan

At kung sakaling may pagkakataon, sana’y makasama ka sa buong maghapon

Hay naku naman

Malawak nga naman ang imahinasyon ko, maging ang mga bagay na di kailanman maabot ng kakayahan ko ay naiisip ko

Nasa kabilang sulok ka ng mundo

At ako nama’y nandito sa sulok nang aking munting kwarto

Nagsusulat, nagpapanggap bilang isang makatang dalaga

Pinaglalaruan ang bawat salitang kanyang nalalaman

Para ipaalam sa isang taong mahalaga sa kanya

Sa isang tao hindi sya kailanman makikilala

Sa isang tao naging inspirasyon nya para libutin ang mundo

Makita lang sya

Makita ko kaya sya?

Makausap ko kaya sya?

Posible kaya?

Bahagyang nalulunod na ko sa panaginip na nabuo simula nung nakilala kita

Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na malaki ang tsyansyang matupad lahat ng ito

Lahat ng nasa sa isip ko

Lahat ng senerayo at mala pelikulang eksenang binuo ko sa kokote kong nagiging korteng puso kapag naalala ka

Akalain mo nga naman nahulog muli ako

Nahulog muli sa isang taong kailanman ay di mapapasaakin

Ano nga naman ang bago sabi nila

Sanay na kong masktan dahil masyado akong ambisyosya

Masyadong akong kinain nang pagkaakalang nasa iisang realidad lang tayo

Ngunit hindi

Ibang mundo ang binigay sakin

Nasa ibang pahina ako ng libro

Ay mali, marahil nasa ibang libro ang kwento ng buhay ko

Hindi kailanman magtatagpo ang puling taling inaasahang kong magdudugtong sa’tin

Pero hindi ako susuko

Ambisyosya, ilusyonada, baliw at kung ano pang salitang ang sabihin nila

Nararamdaman ko

Dito sa kasuluksulukan nang puso ko, na makikita kita

Makakausap kita

Makikilala mo ako

Makikilala mo ang tunay na ako

Makakasama din kita

Malaki ang tiwala ako kay kupido dahil nuon pa man ay kinuntsaba ko na sya

Pati kay bathala na may hawak ng tadhana ko at tadhana mo

Hiling ko lamang sa aking Ama

Bantayan nyo sya para sakin

Dahil kahit milya milya ang layo namin sa isat isa

Miski hindi nya ako kilala

Kahit iba ang realidad na hinaharap nya kaysa sa akin

Naniniwala ako

Naniniwala akong darating ang panahon na magtatagpo din kami

Dito isang lugar na marahil matagal ng naghihintay para sa aming pagkikita

Hay buhay!

Makikila rin kita!

Pangako yan!

Sa tamang panahon

Pag tumama na ang 30-16-29-11-08-07  sa lotto

Tyak magkikita rin tayo munting pinapangarap ko!

 

Sobrang tagal ko nang hindi humuhugot! Ayan tuloy naluma na ko 😦 Isang very very light na hugot sa unrequited love ko hays. Alam kong hindi nya ‘to maiintindihan, si gaga nagsulat na naman, umasa ulit, ayan masasaktan ulit hay nako sanay na ko mga beh sanay na sanay na!

love love love

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: