Sino nga ba ang tunay na nangangailangan?

Kamusta? Muli ko po ipinapaalala na hindi ko po ugaling mangielam ngunit sa panagalawang pagkakataon ay nagpapaalam na ho muli ako para mangielam sa isang isyu na hindi ko tiyak kung kelan matatapos

Sa totoo lang ho, hindi ko inakala na may mga tao palang dinakip at pansamantalang ikinulong sa kidapawan. Wala akong kaalam alam siguro marahil na rin sa dami nang aking ginagawa pero ang hindi ko lang maatim na isipin at sikmurain

NA ANG MGA MATATANDANG MAGSASAKA PALA ANG NAKADETINA SA ISANG SITWASYONG HINDI NA NILA DAPAT NARARANASAN

putanginang trabaho ng gobyerno yan muli, ito lamang po ang aking opinyon patungkol sa isyung ito

Talaga bang nawalan na sila ng awa?

Tuluyan na ba silang nabulag sa katotohanan?

Marahil may mga nagsasabi, “nararapat lang yan dahil sila din naman tong nakikibaka at nakikigulo sa mga desisyon ng gobyerno”

Mawalang galang na ho, KABOBOHAN NA MARAHIL KUNG HINDI PA MAINTINDIHAN NG ISANG PILIPINO ANG GULO AT KAPALPAKAN NG GOBYERNO KINABIBILANGAN NILA, WALANG MAGAAKLAS KUNG LAHAT AY NABIBIGYAN NG PANTAY PANTAY NA KARAPATAN

Hindi na ba sila naawa sa mga matatanda na humihingi lang ng kaunting tulong sa kanila?

Hindi ba nila maintindihan na kapag ikinulong nila ito lalo lamang sila magaaklas at hindi susunod sa gobyerno?

Hindi ba nila maintindihan na dukha na ang mga tao dinakip nila at ikinulong sa isang lugar, at pinatungan pa nila ng karampatang halaga upang sila ay makawala?

Hindi ba nila maunawaan na maging ang pambili na nga lang ng bigas ay wala ang mga taong ito, paano pa kaya ang sampung libo na hinihingi nila upang makamtan ang kalayaan na muling ipinagkait sa kanila?

Ganon na ba talaga kayo ka desperado sa kapangyarihan?

Ganon na ba talaga kayo nakain nang batas batasan nyong sinusunod?

Nawala na ba talaga ang awa dyan sa puso nyo?

AT ITO PA ANG PINAKAMAINIT NA BALITA NA TALAGANG NAKAKAWALANG GANA MANIWALA SA GOBYERNO

 

Mayroon tayong mga Pilipinong Magsasaka na dinakip at ipinagbabayad ng sampu libo upang makuha nila ang kalayaan, habang alam nila na walang maibibigay ang mga ito …

At meron din tayong pangkasalukuyang balita na ang berdugong si Janet Napoles ay nabigyan na ng karapatan upang makapagpyansa katumbas ng isang malaking halaga

OO, may karapatan sya pero bakit hindi nila naisip ang sitwasyon nang mas nakakraming ikinulong sa kidapawan na wala pang isang porsyento ang ginawang kabalastugan kumpara sa kawalangyaan na ginawa ni napoles?

Bakit hindi nila kayang babaaan ang pyansa na ipinatong nila sa mga magsasaka?

Dahil nga ba sa rason na may pera sa Lim kaya nila nabigyan ng karapatan ng kalayaan?

Alam ko namang ito ang hinihintay ng gobyerno, maglabas ng pera ang kahit sino mang isinakdal nila sa isang sitwasyon na ang mahal nilang batas batasan ang makikinabang

SANA MAGISING NAMAN HO ANG GOBYERNO, BAKIT MO HAHAYAANG MAKAPAGPYSANSA ANG ISANG BERDUGONG WALANG SIKMURA NA NAGNAKAW SA KABAN NG BAYAN AT NGAYON AY HINDI NAGSISI DAHIL MULI NYANG MATITIKMAN ANG LAYA KANYANG INAASAM

BAKIT HINDI NYO MAGAWANG MABIGYAN NG KALAYAAN ANG MGA MAGSASAKANG HUMIHINGI NANG KAUNTING TULONG NGUNIT WALA KAYONG MAGAWA KUNDI PAHIRAPAN AT ISAKDAL LAMANG SILA SA LUPANG KANILANG SINASAKA

BAKIT GANON NA LAMANG KAHIRAP IPAINTINDI SA GOBYERNO ANG PAGIGING PATAS SA BAWAT DESISYONG KANILANG GINAGAWA

BAKIT HIRAP NA HIRAP SILA MAGBIGAY NG AWA SA MGA TAONG NARARAPAT LAMANG KAAWAN?

Masama ang loob ko, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari kung sakaling tuluyang makalaya si Napoles at tuluyang mabilanggo ang mga magsasakang walang pera upang makapagpyansa

Wala na nga ba talagang pagasa maging tahimik, patas at maglingkod ng may integridad ang gobyernong kinabibilangan natin?

Hindi ko na alam.

Bahala na si Bathala.

*PHOTO NOT MINE

http://interaksyon.com/article/126213/detained-kidapawan-farmers-need-help-to-post-bail

http://media.philstar.com/images/the-philippine-star/headlines/20140520/napoles-GEN1.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: