“Magsasakang nagmamakaawa para sa bigas”

 

Uunahan ko na po kayo, siguro sa tingin nang iba ay wala tayong karapatan para husgahan ang ginawang aksyon ng gobyerno patungkol sa walang awang pamamaril at pagtrato nila sa mga magsasakang humihingi at umiiyak lamang para sa tulong pinansyal, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na isang mamamayan ng Pilipinas.

HINDI KO PO ITO GINAGAWA DAHIL MAINIT ANG ISYU NA ITO NGAYON NGUNIT HINDI KO LANG MAATIM NA MAKITA AT DAMAHIN LAHAT NG SAKIT NG BAWAT PILIPINO NA NAGHIHIRAP SA ATING BANSA DAHIL SA MAGULO O WALANG DIREKSYON NA PAMUMUNO NG GOBYERNO

Naalala ko noong ako’y bata pa, sabi saakin ng tiyuhin ko, “Ubusin mo yang kanin na kinuha mo. Naghirap ang magsasaka para jan bigyan mo sila ng pagpapahalaga” Lagi ko itong inuulit ulit saking isip. Minsan ako’y nakakapagtira ng kaunti pero hangga’t sa makakaya ko ay sinisimot ko miski ang iisang butil dahil dama ko at gusto kong bigyan pagpapahalaga ang hirap ng bawat magsasakang pilipino na BABAD SA ARAW, NAGSASAKA SA LUPA KINUHA SA KANILA, NAGSISIKAP UPANG MAY KAKAIN AT IPANGTUTUSTOS SA PANGARAW ARAW AT HIGIT SA LAHAT PAMBILI NG PUTANGINANG BIGAS NA IPINAGKAKAIT SAKANILA NANG MGA BUWAYA NG GOBYERNO NA ITO.

Nakakalungkot.

Nakakahiya.

Kidapawan Massacre, oo hindi ko alam ang buong impormasyon pero bakit kailangan umabot pa sa puntong “ANG MGA MAGSASAKANG BILAD SA ARAW AT NAGTATANIM AT NAGAANI NANG MGA BIGAS NA NILALAMON NG MGA BUWAYANG TAUHAN NG GOBYERNO ANG KAILANGANG MAGMAKAAWA PARA SA ISANG KILONG BIGAS NA PAGKAKASYAHIN NILA PARA SA SA ISANG LINGGO? BAKIT?”

Dahil ba to sa kasakiman ng gobyerno? O sa kadamutan lamang nila na magbigay ng kaunting ninanakaw nila sa mamamayan?

Hindi ba nila alam na ang magsasaka, construction worker at ang iba pang skilled na trabaho ay binibigyan pagpapahalaga sa ibang bansa at minsan pa’y mas malaki ang kinikita kaysa sa mga empleyado ng isang kumpanya…

BAKIT HINDI GANITO SA PILIPINAS?

BAKIT TILA’Y NINANAKAWAN SILA NG KARAPATAN PANGTAO AT INAAPAKAN ANG KANILANG PAGHIHIRAP SA  PAGBIBILAD SA MATINDING SIKAT NG ARAW

Likas sa Pilipino ang pagiging maawain pero bakit ganon?

Bakit kailangan humantong sa pamamaril at pagdadamot ang nangyari sa kidapawan?

Marahil may nagsasabi bakit mo kinukwestyon ang aksyon ng gobyerno?

DAHIL AKO MISMO NA ISANG ESTYUDANTE AY MAYROONG AWA SA KAPWA KO PILIPINO NA TINATANGGALAN NG KARAPAT UPANG MAMUHAY NANG MAAYOS, MAKARAOS SA KAHIRAPAN AT HIGIT SA LAHAT MAKAALIS SA TANIKALA AT SUMPANG HABANG BUHAY NA SILANG MAGIGING MAHIRAP

Para sa mga taong nagutos na ituloy ang pamamaril sa mga magsasaka, Nawa’y naging masaya kayo at nakapamaril kayo ng mga kaluluwang hayok lamang sa kakaunting tulong galing sa gobyerno. Nawa’y naging masaya na kayo dahil sa wakas nadungisan na ng kaunting dugo ang mga baril nyo mula sa mga taong naghihirap at umiiyak ng kaunting awa mula sa mga tinitinggala nyo sa gobyerno.

Marahil nagiging one sided ako dahil nasa panig ako ng mga magsasaka ngunit satingin ko ay nararapat lang ito dahil mas kailangan nila ng kakampi kasya sa gobyernong pilit sila inililibing ng buhay.

 

HULING MENSAHE KO NA LAMANG PO

SABI NILA “BIGAS AT HINDI BALA”

SABI KO NAMA’Y “BOSES AT KARAPATAN LABAN SA MGA BUWAYA”

Hustisya para sa kanila

Katahimikan sana’y kanilang makamtan

Sa ngalang ng Poong Maykapal.

Hindi ho ako sana’y na mangielam sa mga pangunahing isyu sa bansa ngunit sa tingin ko ito ay sobra na. Kasukasukang gobyerno nga naman

*photo not mine

 

 

Advertisements

2 Comments

Add yours →

  1. I feel you there buddy. Nakakasulasok ang kapal ng mukha ng gobyernong ito.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: