Para sayo…

“Natatakot ako araw araw na baka makahanap ka na nang ibang babae, nang ibang ipapalit mo sakin Pero alam ko naman na mangyayari un sa ayaw at sa gusto ko e. sana sa oras na yun okay na ko para di na masyadong masakit ang lahat.”

Naaalala mo pa kaya ako?

Naalala mo pa kaya ang nuon?
Marahil nakalimutan mo na ko

Ay mali, marahil kinalimutan mo na ako
Yung mga panahong ako lang ang mahal at minamahal mo

Mga panahong ako lang inaalagaan mo at inaalala mo

Mga panahong ako lang ang nagiisang babae sa paningin mo
Masakit.
Araw araw akong nagtatanong kung ako ba talaga?

Ako ba ang nagkamali?

Ako ba ang dahilan kung bakit umayaw ka na?
Kasalanan ko.

Kasalanan ko nga ba?
Kasalanan ko bang sumuko ka na sating dalawa

Kahit anong pagsuyo ko wala na
Wala na ba? O may tsyansa pa?
Aasa pa ba ako? O titigil na?
Ilang buwan na rin simula nang naglaho lahat ng ikaw at ako
Hanggang nagkaroon na nang ikaw at siya
Mahal mo ba sya?
O ginagamit mo lang sya para kalimutan ako?
Kung totoong mahal mo sya..
Wala na kong ibang magagawa kundi pakawalan lahat ng pagasang ito
Lahat ng imahinasyon na baka sakaling mabuo ulit yung tayo, yung ikaw at ako
Wala na kong luhang naiitatabi, naubos na sa simula palang nung pagsuko mo
Kung sakaling naman hindi mo sya tunay na mahal, at may pagasang maging tayo muli
Sabihin mo na, makikinig ako.
Naghihintay ako, at maghihintay
Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita
Katangahan na marahil ito

Pero ikaw lang talaga.

Marahil makakalimot ako sa pagdaang ng panahon

Marahil may tsansyang mapagod ako

Ngunit isa lang ang bibitawan ko

Mahal kita nuon at mahal pa rin kita magpasa hanggang ngayon

Pero tandaan mo ito

Pero hindi ko maippaangakong maiaalis kita agad agad dito sa puso kong inalay ko para lang sayo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: