Manunulat na nagugulumihanan ( Troubled Writer)

Sabi nila kapag isa ka raw manunulat hindi ka mauubusan ng salita at ideya sa iba’t ibang makukulay na bagay na pwede mong ibahagi sa iba

Pero bakit ganito

Parang may mali sakin

Ako pa rin nga ba ito?

Bakit parang unti unti akong nauubos

Bakit parang unti unti akong nanamlay

Isa nga ba akong manunulat?

O isa lamang mulat sa sulat?

Nabuhay nga ba ako para magbahagi nang nalalaman at sentimyento

O ako lang ang nagkusang bumuhay kahit alam ko namang wala itong patutunguhan?

Dapat ko nga ba ‘tong maramdaman

Dapat ko nga ba tong pagaksayahan ng oras

O nararapat ko na lamang isuko ang bagay na ito na bumubuhay at nagbibigay kulay sa buhay ko sa pangkasalukuyan

Marahil ako’y sobra lamang naguguluhan

Nalulunod sa iba’t ibang bagay na pumapaligid na hindi ko dapat hinahayaang maging balakid

Dahil alam ko sa’king sarili na ako’y biniyayaan

Nang isang kapangyarihang magbigay kulay at magmanipula ng ideya

Upang maging inspirasyon sa iba

At maging kaibigan ng tulad kong nagiisa

Hindi ko kailanman isusuko

Itong regalo na ipinagkaloob sakin

Kahit ano man ang kanilang sabihin

Hindi na kailanman magpapaapekto

Dahil may sariling aspeto

Ang bawat litanya, kwento at paglalahad na ginagawa ko

Lalabanan ko itong nararamdaman ko

Dahil alam kong isang pagsubok lang ito

Nang isang manunulat na nawawalan ng pagasa

Nalulumbay at nagiisa

Pero marunong manindigan

Kung ano ang kanyang sinimulan

Kaya’t heto pa rin at magsusulat

Kahit walang magbasa

Isang manunulat na may tiwala at respeto sa kanya sariling obra

Advertisements

One Comment

Add yours →

  1. Eto nga’t may nakabasa na ng ‘yong gawa. Haha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: