Maguumagang Kulo

Naranasan mo na bang magsulat sa gitna ng kadiliman
Naalipungatan, napatingin sa orasan… hay, alas kwatro lang pala..

Bakit kaya ako nagising.

Samantalang tahimik naman ang paligid
Marahil may kumalabit…
Sa diwa kong lumalangoy habang nasa panaginip.

Dinilat ko ang mata ko

Ano ang nakita ko?

Isang madilim na kapaligiran,
Silid na walang senyales nang kahit anong liwanag
Biglang may bumulong, buksan mo ang ilaw
Sabi ko nama’y ayoko dahil baka ako’y makaistorbo
Sa mga kaluluwang natutulog sa tabi ko

Masyadong tahimik at malamig
Naririninig ko ang bawat patak nang ulan,
Naririnig ko ang bawat iyak nang mga sanggol na nagising dahil naghahangad nang aruga nang kanilang ina

Nararamdaman ko ang lamig na dulot ng malamig na simoy ng hangin mula sa labas
Nararamdaman ko ang lamig na nanunuot sa konkretong pader sa tabi ng aking kama

Ayoko pang bumangon

Ayoko pang simulan itong araw na ito

Ngunit kahit anong pikit ko’y hindi ko na maituloy

Ang paghimbing na naistorbo na isang alaalang dapat nang kalimutan

Ngunit magpahanggang ngayon ay di parin lubos na makalimutan…

Hay!

Buhay….

Kailangan ko hang bumangon

Dahil minsan mas tahimik pa ang diwa ko pag aligaga sa trabaho

Kaysa

Sa nagiisa at nakahiga , habang ang isip ay dinadala kasama ng hangin nililibot ang bawat paligid maging ang nakaraan.

Siguro huling pagkakataon mo na ito para ako’y maistorbo, paalam na

Munti kong bangungot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: