Sa tamang panahon…

Sa tamang panahon ay magkikita din tayo…”
“Sa tamang panahon magiging ikaw din at ako…”

Alas syete ng umaga habang pumapagaspas ang malakas na hangin
Nakasakay sa kakarag karag na dyip na tila eroplano kung tutuusin

Nakatulala sa kawalan habang naglalaro sa makulay na mundo ng imahinasyon
Nagiisip kung ano nga ba ang maaring kinabukasan ko sa susunod na panahon..

Ilang metro nalang ang layo saking patutunguhan, naghahanda na para magsabi nang para…
Biglang napalingon saking kaliwa at nakita kita

Oo ikaw.

Ikaw na nakasakay sa kotseng kulay abo.

Magisa at tila’y nagmamadali dahil may alas syeteng klase na  kinakailangan pasukan

Nakita nang hindi sinasadya, isang sulyap na parang tadhana ang nagadya

Malapit na kong bumababa, pero nakasunod parin ang sasakyan mo at di ko mapigilang mapatingin

Nakita kita

Nakita kitang tumingin sakin, hindi ako nagkamali
Nakaasul ka at tila’y nagiisip kung kakilala mo ba ako..

Oo hindi ko nababasa ang nasa utak mo

Isa lamang itong kuro kuro na baka sakaling yan ang nasa isip mo

Nakaasul ka. Tandang tanda ko

Siyam na metro nalang ang layo sa aking patutunguhan
Nakasunod ka parin, dahil alam kong parehas lang tayo ng pupuntahan

Bababa na
Isang metro nalang
Paglingon ko’y wala ka na

Sabay sabi ko kay manong ng para!

Naglalakad at nagiisip kung masusulyapan muli kita
Palingon lingon sa bawat sasakyan na kulay abo na baka sakaling ikaw na nga

Ang lalaking nakaaasul na nasulyapan ko, at tumingin din sakin habang naglalaro ang isip ko sa kawalan

Sana’y makitang muli
Sayang hindi ko nakita ang plaka ng sasakyan mo
Siguro sinadya na rin ito para hindi kita hanapin
At magkukusa na ang tadhanang pagtagpuin tayo sa tamang panahon

Nangangarap na makilala kita, at makita ka ng malapitan.

Umaasa,
Babaeng hindi nagsuklay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: